Kailangan mong ibigay ang isa sa mga dokumentong nakalista sa ibaba upang kumpirmahin ang iyong pagkakakilanlan.
Katibayan ng Pagkakakilanlan
Upang patunayan ang iyong pagkakakilanlan, kailangan naming makakita ng isang malinaw na kopyang may kulay ng harap at likod ng iyong dokumentong ipinagkaloob ng pamahalaan. Ito ay maaaring gawin sa pamamagitan ng pag-scan ng dokumento o pagkuha ng isang digital na litratong may mataas na resolusyon. Dapat ipakita ng dokumento ng katibayan ng pagkakakilanlan ang iyong buong pangalan, iyong litrato, bilang ng dokumento, petsa ng kapanganakan, at ang iyong buong address ng tirahan ayon sa nakarehistro sa iyong profile ng gumagamit sa FXChoice.
- Kopya ng isang balidong pasaporte (kabilang ang pahinang ipinapakita ang iyong pirma)
- Kopya ng isang balidong pambansang card ng pagkakakilanlan (harap at likod)
- Kopya ng isang balidong lisensiya sa pagmamaneho (harap at likod)
- Card ng permanenteng residente o pagpaparehistro ng dayuhan (harap at likod)
Kapag ipapadala ang iyong mga dokumento, mangyaring tiyaking natutugunan nila ang mga sumusunod na pamantayan:
- Gumamit ng .jpg, .jpeg, .png, .gif o .pdf
- Dapat isumite nang may kulay
- Hindi dapat lalampas sa 15 MB ang bawat dokumentong ia-upload
- Dapat i-upload nang hiwalay ang bawat panig ng dokumento
- Tiyaking malinaw na nakikita ang lahat ng apat na gilid
- Dapat mataas ang kalidad ng dokumento; tiyaking nababasa ito
Kapag natugunan na ang lahat ng pangangailangan, ia-activate ang iyong account at maaari ka nang magdeposito ng mga pondo. Kung magkakaproblema kang patunayan ang iyong profile ng gumagamit, mangyaring huwag mag-atubiling makipag-ugnayan sa amin.