Paunawa sa Proteksiyon ng Datos
Napakahalaga ng pagkapribado ng iyong personal na datos at iyong tiwala sa amin at sa tagumpay ng aming negosyo. Kumokolekta kami ng impormasyon tungkol sa aming mga kliyente at babalangkasin namin dito ang uri ng impormasyong nakalap namin, ang mga dahilan kung bakit namin ginagawa ito, at ano ang ginagawa namin dito. Makikita mo rin kung paano mo mababago ang anumang impormasyong ipinagkatiwala mo sa amin.
Ang FX Choice Limited (simula rito tinutukoy bilang FXChoice) ay isang Internasyonal na Korporasyon ng Negosyo na may numero ng pagpaparehistro na 000003992, na ang rehistradong address ay: Corner Hutson & Eyre Street, Blake Building, Suite 302, Belize City, Belize. Ang FXChoice ay pinahihintulutan at pinangangasiwaan ng Financial Services Commission ng Belize — ang awtoridad ng pangangasiwa ng Belize. Hawak ng FXChoice ang numero ng lisensya na 000067/301, na ipinagkaloob ng Financial Services Commission ng Belize. Ang kompanya ay ganap na iningkorpora sa ilalim ng Panukalang-Batas ng International Business Companies Act [Mga Internasyonal na Kompanya ng Negosyo], Kabanata 270, Binagong edisyon 2000. Matatagpuan ang karagdagang impormasyon tungkol sa FXChoice sa myfxchoice.com.
Nagbibigay kami ng mga serbisyong pampuhunan (Forex) sa buong mundo at masigasig na sumusunod sa bawat lehislasyong naaangkop sa amin. Ang FXChoice ay isang tagakontrol ng personal na datos ayon sa Artikulo 3, Talata 2 mula sa Regulasyon (EU) 2016/679 ng parehong European Parliament at Council noong ika-27 ng Abril, 2016, na tinatawag na Pangkalahatang Regulasyon sa Proteksiyon ng Datos (GDPR).
Ang Paunawang ito ay nauugnay sa mga serbisyong inaalok sa mga Kliyente sa EU.
Upang magbukas at magmintina ang mga kliyenteng taga-European Union (EU) ng mga account, kumukuha, humahawak at nagpoproseso kami ng ng personal na impormasyon. Binabalangkas ng paunawang ito kung paano namin pinamamahalaan ang naturang impormasyon upang tiyaking natutugunan namin ang aming mga obligasyon at iginagalang namin ang pagkapribado ng aming mga customer, at pinapanatili naming kompidensyal ang datos.
Paano ka makikipag-ugnayan sa FXChoice
Kung may anumang mga tanong ka tungkol sa iyong mga karapatan sa pagkapribado, o kung nais mong baguhin ang iyong mga kagustuhan sa pagkapribado, maaari kang makipag-ugnayan sa amin sa mga sumusunod na paraan:
- Sa pakikipag-ugnayan sa Suporta sa kliyente sa +52 556 826 8868;
- Sa pagpapadala ng email sa info@myfxchoice.com
- Sa paggamit ng serbisyong Live Chat sa website ng FXChoice
- Sa pagpapadala ng nakarehistrong mail: Corner Hutson & Eyre Street, Blake Building, Suite 302, Belize City, Belize
Matatagpuan ang karagdagang impormasyon tungkol sa FXChoice sa myfxchoice.com
Paano at bakit namin ginagamit ang iyong personal na datos
Kinokolekta at pinoproseso namin ang personal na datos ayon sa mga pangangailangan ng lehislasyon sa Europa. Pinoproseso namin ang iyong datos nang mga espesipikong dahilang nakatuon at nauunawaan naming hindi namin puwedeng gamitin ang iyong datos nang walang limitasyon.
Kinokolekta at pinoproseso namin ang iyong personal na datos para sa iba’t-ibang dahilan at umaasa kami sa iba’t-ibang legal na batayan upang gamitin ang impormasyong iyon. Halimbawa, ginagamit namin ang iyong personal na datos upang iproseso ang iyong mga aplikasyon, tumulong sa pangangasiwa ng aming mga serbisyo sa iyo, tiyaking binibigay namin sa iyo ang pinakamagandang serbisyong posible, pigilan ang hindi awtorisadong akses sa iyong mga account at matugunan ang aming mga legal na obligasyon at obligasyon ayon sa regulasyon.
Nilalayon ng Paunawa sa Proteksiyon ng Datos na ito na ipaliwanag sa iyo kung paano at bakit namin pinoproseso ang iyong personal na datos.
1. Upang mapatupad ang isang kontrata, o sa konteksto ng mga ugnayan bago ang kontrata. Upang pumasok sa at magsagawa ng isang kontrata para sa isang serbisyo.
- Sa konteksto ng mga ugnayan bago ang kontrata
Bago kami magbigay ng mga serbisyo sa iyo, kailangan naming mangalap ng ilang personal na datos upang iproseso ang iyong aplikasyon at suriin ang mga tuntuning papasukan namin kasama mo. Kabilang dito, halimbawa, ang pangangalap at pagpoproseso ng personal na impormasyon. Ang layunin ng pagkolekta ng impormasyon ay upang tukuyin ang mga prospektibong kliyente at suriin kung ang mga serbisyong hinihiling nila ay naaangkop.
Kung wala pa kaming kontrata sa iyo, ngunit hiniling mo sa aming (sa pamamagitan ng ‘makipag-ugnayan sa amin’, ‘live chat’ o ‘callback’) gumawa ng isang bagay bilang unang hakbang (hal. magbigay ng isang quote), kailangan naming iproseso ang iyong personal na datos upang gawin ang hinihiling mo.
Upang makapagsimulang gamitin ang aming mga serbisyo, kailangan mo munang lumikha ng personal na profile. Upang gawin ito, mangyaring magbigay ng ilang personal na datos tulad ng iyong pangalan, email address, numero ng telepono, at bansa. Kapag nagawa na ang iyong account, maaari ka nang magbukas ng mga live at demo account at makakatanggap ka ng ilang impormasyon nang may pahintulot mo.
Naaangkop ang nasa itaas kahit na hindi ka aktwal na pumasok sa isang kontrata kasama namin, basta’t ang pagpoproseso ay nasa konteksto ng isang potensyal na kontrata kasama mo; pagkatapos ng dalawang taon, mapapawalang-bisa ang aplikasyon at tatanggalin namin ang iyong datos.
- Upang mapatupad ang isang kontrata
Upang magbukas ng isang live account para sa iyo, kailangan naming kumolekta ng impormasyon upang mapatunayan ang iyong pagkakakilanlan at ang kaangkupan ng aming mga serbisyo para sa iyo. Upang gawin ito, hihilingin namin ang personal na impormasyon na inilalarawan sa ibaba.
Kumokolekta kami ng impormasyon upang maibigay sa iyo ang mga serbisyong kailangan mo ayon sa aming Kasunduan ng Kliyente:
- upang pangasiwaan ang iyong mga account sa amin;
- upang pamahalaan at isagawa ang iyong mga order o kahilingan ng serbisyo;
- upang mapatupad ang mga napirmahang kasunduan sa iyo.
Ginagamit namin ang impormasyong ibinibigay ninyo upang tukuyin at pigilan ang anumang mga pagkilos na labag sa batas o hindi naaayon sa aming Kasunduan ng Kliyente, mga patakaran, Mga Tuntunin at Kondisyon at gayon din upang iproseso, iulat at tanggapin ang anumang pagbabayad – mga deposito o pagwi-withdraw – na nauugnay sa mga ibinigay na serbisyo. Bilang karagdagan, ang impormasyong ito ay nakakatulong sa amin na mapatupad ang aming mga pangangailangan ayon sa regulasyon kaugnay ng pagwawakas ng kontratang ito sa iyo.
Paminsan-minsan, maaari kaming humiling ng karagdagang impormasyon upang tulungan kaming pagandahin ang mga serbisyong ibinibigay namin. Bukod pa rito, maaari rin kaming mangailangan ng karagdagang impormasyon bilang bahagi ng aming mga obligasyon ayon sa regulasyon na imintina ang datos.
Bilang bahagi ng prosesong ito, maaaring kailanganin naming ipasa ang ilang personal na impormasyon sa isang tagapamagitan o counterparty (hal. kung magsasagawa ka ng isang transaksiyon ng pagbabayad, ipapasa namin ang impormasyon sa progreso ng transaksiyon sa aming mga tagabigay ng serbisyo ng pagbabayad o bangko).
Kung pipiliin mong huwag magbigay ng ilang impormasyon, maaaring mangahulugan ito na hindi namin maibibigay sa iyo ang serbisyong hiniling mo.
Pinananatili naming napapanahon ang impormasyon hangga’t maaari at babaguhin namin ang anumang mga detalye, tulad ng iyong address, kaagad kapag ipinagbigay-alam mo sa amin na nagbago na sila.
2. Upang sumunod sa mga legal na obligasyon
Kinakailangan naming iproseso ang iyong personal na impormasyon upang sumunod sa ilang tiyak na legal na obligasyon, halimbawa:
- upang mag-ulat at tumugon sa mga katanungan at magbigay ng impormasyon sa mga awtoridad ng pangangasiwa (hal. Ang Financial Services Commission ng Belize o ang Financial Intelligence Unit), tagapagpatupad ng batas at ibang mga ahensiya ng pamahalaan;
- para patunayan ang edad;
- Para sa pagbibigay ng impormasyon sa Mga Awtoridad sa Proteksiyon ng Datos kaugnay ng mga obligasyong ibinibigay ng GDPR;
- Upang patunayan ang personal na datos na ibinigay sa amin at matugunan ang aming mga legal na obligasyon at obligasyon sa pagsunod, kabilang ang pagpigil sa money laundering, pag-iwas sa pagbabayad ng buwis, pagpopondo ng terorismo at pandaraya. Halimbawa, kailangan naming makilala ka, patunayan ang iyong pagkakakilanlan, suriin ang iyong aktibidad at mga transaksiyon at alamin ang profile ng panganib sa money laundering. upang imbestigahan ang mga paratang ng pandaraya at pigilan ang pandaraya ng mga ikatlong partido o customer;
- upang mangalap ng impormasyon tungkol sa kaalaman at karanasan, pinansyal na kapasidad, mga layunin sa pamumuhunan at palagay sa panganib/return ng aming mga kliyente tungkol sa mga serbisyong inaalok bago magbigay ng anumang mga serbisyo;
- Upang matugunan ang mga obligasyong ibinibigay ng:
- ang Money Laundering And Terrorism (Prevention) Act [Panukalang-Batas sa (Pagpigil ng) Money Laundering at Terorismo]
- ang Mga Karaniwang Kondisyon para sa Lisensiya sa Trading sa Mga Panagot o Trading sa Dayuhang Palitan ng Financial Services Commission ng Belize
- ang Accounting Records (Maintenance) Act 2013 [Panukalang-Batas sa (Pagmimintina ng) Mga Talaan ng Accounting ng 2013]
- ang Regulasyon (EU) 2016/679 ng parehong Parlamento at Konseho ng Europa noong ika-27 ng Abril, 2016 at ang lahat ng regulasyon ng Financial Services Commission ng Belize
- at ibang mga nauugnay na instrumentong ayon sa batas, na kaugnay sa wastong accounting na naaayon sa batas;
- upang magbigay ng impormasyon sa hukuman at mga ikatlong partido, sa kurso ng paglilitis sa harap ng isang hukuman, alinsunod sa mga pangangailangan ng mga naaangkop na procedural at ibang mga legal na gawain;
3. Kapag ibinigay mo ang iyong pahintulot
Sa ilang kaso, pinoproseso lang namin ang iyong personal na datos kung may paunang pahintulot mo. Ang pahintulot ay isang hiwalay na dahilan para sa pagpoproseso ng iyong personal na datos, at ang layunin ng pagpoproseso ay itinutukoy doon.
Kung ibibigay mo sa amin ang naaangkop na pahintulot, hanggang hindi mo ito babawiin, gagamitin namin ang iyong personal na datos:
- upang ipagbigay-alam sa iyo ang mga serbisyong maaaring pag-interesan mo.
- upang bigyan ka ng mga pinasadyang alok at personalisadong serbisyo sa customer;
- upang magbigay ng patuloy na impormasyon o mga pagkakataon na pinaniniwalaan naming pag-iinteresan mo;
- upang suriin ang iyong mga patuloy na pangangailangan;
- upang magbigay ng paminsan-minsang email tungkol sa mga kapaki-pakinabang na tampok, alok at ibang mga mensaheng nauugnay sa marketing;
- upang magpadala ng aming mga newsletter o impormasyon tungkol sa ibang mga pagkakataon na pag-iinteresan mo (ipapadala lang namin ito sa iyo kung ipinahayag mo na nais mong matanggap ang naturang impormasyon);
- upang abisuhan ang mga gumagamit tungkol sa mga update sa aming website;
- upang pagandahin ang nilalaman ng website;
- upang i-customize ang nilalaman at/o layout ng website para sa bawat indibidwal na gumagamit
Upang gawin ito, hihilingin namin ang iyong pahintulot. Maaari mong bawiin ang pahintulot na iyon sa anumang oras sa pamamagitan ng pamamahala ng iyong mga suskripsiyon sa profile/seksiyon mula sa Backoffice.
Ang impormasyong kinokolekta namin tungkol sa iyo at kung paano ito ginagamit
Ang impormasyong hawak namin tungkol sa iyo ay maaaring mag-iba ayon sa mga serbisyong ginagamit mo. Kabilang dito ang personal na impormasyong ibinigay mo sa amin kapag naghahanap ka ng isang serbisyo, personal na impormasyong awtomatiko naming kinokolekta (ang iyong IP address at ang petsa at oras kung kailan mo inakses ang aming mga serbisyo noong pumunta ka sa aming website o platform), at personal na impormasyong natanggap namin mula sa ibang mga pinanggalingan.
Ang isang mas detalyadong pagtingin sa impormasyong hawak namin tungkol sa iyo, kabilang ang mga halimbawa kung paano namin ginagamit ito, ay nakabalangas sa ibaba:
Pagkakakilanlan at impormasyon sa pakikipag-ugnayan
Ano
Pangalan, apelyido, petsa ng kapanganakan, bansang tinitirahan, kabansaan at ibang impormasyong matatagpuan sa iyong dokumento ng pagkakakilanlan, pati na rin ang mga kopya ng dokumento ng pagkakakilanlan. Address ng tirahan, mga kopya ng ibinigay na katibayan ng address, mga detalye sa pakikipag-ugnayan, email address at numero ng telepono. Paninirahan para sa buwis at impormasyong nauugnay sa buwis. Isang video recording mo at isang litrato mo (Ang iyong pagpapatunay sa video na kinukumpirma ang iyong pagkakakilanlan at mga dokumento ng pagkakakilanlan).
Bakit
Ginagamit namin ang uri ng impormasyong ito upang makilala ka at tulungan kaming labanan ang pandaraya at ibang ilegal na aktibidad. Kinakailangan ang iyong impormasyon sa pakikipag-ugnayan:
- upang pamahalaan at pangasiwaan ang iyong mga account, produkto at serbisyo;
- upang padalhan ka ng mga mensahe ng serbisyo, suporta at pangangasiwa, paalala, teknikal na paunawa, update, alerto sa seguridad at impormasyong hiniling mo;
- upang abisuhan ka tungkol sa alinman sa mahahalagang pagbabago o pag-unlad sa mga tampok at pagpapatakbo ng mga produkto at serbisyong iyon.
Ginagamit din namin ang impormasyong ito upang matugunan ang iyong mga katanungan at reklamo.
Kinokolekta at pinoproseso rin namin ang impormasyon sa pagkakakilanlan at Maselang Personal na Datos upang sumunod sa aming mga obligasyong Kilalanin ang Iyong Customer (“KYC”) sa ilalim ng mga naaangkop na batas at regulasyon, at mga Anti-Money Laundering na batas at regulasyon.
Mga detalyeng pinansyal/Impormasyon sa gana sa panganib
Ano
Mga detalye ng trading account, mga detalye ng digital account, mga detalye ng bank account, mga detalye ng credit/debit card, mga detalye ng kita, mga talaan ng pagpoproseso at pangagasiwa ng aplikasyon, iyong katayuan sa trabaho at mga detalye ng trabaho, mga detalye ng pamumuhunan, mga detalye ng transaksiyon, mga pinansyal na pangangailangan/palagay, karanasan sa trading, impormasyong nauugnay sa mga pagsasaayos sa power of attorney.
Bakit
Batay sa isang pagsusuri ng impormasyong nilalaman ng iyong profile ng kliyente, maaari naming, halimbawa, mabisang analisahin kung aling serbisyo ang maaaring pinakabagay sa iyo, o aling mga serbisyo ang kailangan mo, at pagkatapos ay inaalok namin sila sa iyo. Ginagamit din namin ang iyong gana sa panganib upang tulungan kaming alamin ang kaangkupan ng mga produkto para sa pamumuhunan.
Impormasyon upang matulungan kaming mas mahusay na paglingkuran ang iyong mga pangangailangan
Ano
Impormasyong nakalap mula sa mga simulation, aplikasyon, pakikilahok sa paligsahan, atbp. Mga pakikipag-ugnayan sa tauhan ng FXChoice sa pamamagitan ng telepono, email o aming mga digital channel. Ang iyong mga komento, mungkahi, nakaraang reklamo.
Bakit
Kinokolekta namin ang impormasyong ito upang analisahin, suriin at pagandahin ang aming mga serbisyo sa mga customer, at pati na rin para sa mga layunin ng pagsasanay at kontrol sa kalidad. Halimbawa, maaari naming subaybayan o irekord ang anumang komunikasyon sa pagitan natin kabilang ang mga tawag sa telepono.
Impormasyong ibinahaga ng ibang partido o nasa pampublikong dominyo
Ano
Impormasyong magagamit ng publiko, kabilang ang impormasyon sa iyong profile sa social media, kung saan ito naaakses ng publiko. Impormasyon tungkol sa iyo na nakuha sa ibang mga partido, halimbawa, mga may-ari ng joint account o mga taong hinirang na kumilos sa ngalan mo. Impormasyong magagamit sa mga pampubliko at pribadong database patungkol sa mga pagsusuri laban sa money laundering.
Bakit
Minsan ginagamit namin ang uri ng impormasyong ito upang patunayan na tama ang impormasyong hawak namin sa aming mga database. Ginagamit din namin ang impormasyong ito upang matulungan kaming maunawaan ang ating ugnayan at matulungan kaming mag-alok sa iyo ng mga produkto at serbisyong pinaniniwalaan naming pag-iinteresan mo.
Informasyong pinahintulutan mo kaming gamitin
Ano
Upang pahintulutan kaming makipag-ugnayan sa iyo sa pamamagitan ng ilang tiyak na channel upang mag-alok sa iyo ng mga nauugnay na produkto at serbisyo. Kumokolekta kami ng impormasyon tungkol sa iyong aktibidad sa Internet gamit ang teknolohiyang kilala bilang mga cookie, na madalas na nakokontrol sa pamamagitan ng mga internet browser. Kumokolekta kami ng impormasyon tungkol sa mga pagsasaayos ng iyong internet browser o kung hindi man, tungkol sa Internet Protocol (IP) at ibang nauugnay na impormasyon upang matulungan kaming tukuyin ang iyong heograpikong lokasyon kapag nagbibigay sa iyo ng aming mga serbisyo.
Bakit
Gumagamit kami ng datos sa online na aktibidad upang maibigay sa iyo ang pinakamagandang posibleng karanasan kapag ginagamit ang aming website. Ginagamit namin ang iyong internet protocol address upang tantiyahin ang iyong heograpikong lokasyon, at ginagamit namin ang iyong lokasyon upang i-filter ang ilang tiyak na tampok na magagamit sa iyong bansa, tulad ng iba’t-ibang paraan ng pagbabayad. Maaari rin naming gamitin ang iyong impormasyon sa lokasyon upang bumuo ng mga anonymized analytical model upang pagandahin ang aming mga serbisyo. Kailanman ay hindi personal ang pag-aanalisa, at kailanman ay hindi ka makikilala.
Maaaring irekord ng FXChoice ang mga kumbersasyon sa telepono, at ibang mga pakikipag-ugnayan (email o sa pamamagitan ng aming mga digital channel), sa iyo. Palaging ipagbibigay-alam sa iyo kapag nirerekord ang mga tawag kasama ang aming mga miyembro ng kawani.
Maaaring kolektahin namin ang iyong mga komento at mungkahi, nakaraang reklamo upang analisahin, suriin at pagandahin ang aming mga serbisyo, at pati na rin para sa mga layunin ng pagsasanay at kontrol sa kalidad. Halimbawa, maaari naming subaybayan o irekord ang anumang mga komunikasyon sa pagitan natin kabilang ang mga tawag sa telepono.
Maaaring kolektahin namin ang impormasyon tungkol sa iyo na nakuha sa ibang mga partido, halimbawa, mga may-ari ng joint account o mga taong hinirang na kumilos sa ngalan mo.
Hihilingin namin ang impormasyong ito mula sa iyo sa pamamagitan ng aming form ng aplikasyon; mga dokumentong kinakailangan para magbukas ng isang trading account; mga pahayag, na ibinigay mo; email at ibang mga channel para sa pakikipagsulatan pati na rin ang komunikasyon sa telepono sa iyo.
Kumokolekta kami ng impormasyon sa pamamagitan ng paggamit ng mga cookie, na siyang tinatalakay sa ibaba sa Paunawang ito.
Hindi mananagot ang FXChoice sa kaganapan ng kakulangan ng kontrol ng magulang na humahantong sa pagtanggap ng FXChoice ng personal na datos mula sa mga batang wala pang 18 taong gulang. Kung nakatanggap ang FXChoice ng naturang personal na datos, tatanggalin ito kaagad.
Hindi tumatanggap ang FXChoice ng mga batang wala pang 18 taong gulang bilang mga kliyente at hindi nangongolekta ng personal na datos nila.
Maaari mong kontrolin ang personal na impormasyong ibinigay mo sa FXChoice
Kapag pinangangasiwaan ang iyong personal na datos kaugnay ng isang serbisyong ibinibigay namin, karapat-dapat kang umasa sa ilang karapatan. Pahihintulutan ka ng mga karapatang ito na magkaroon ng makabuluhang kontrol sa paraan kung paano pinoproseso ang iyong personal na datos. Maaari mong gamitin ang alinman sa mga karapatang ito nang libre (sa ilang tiyak na natatanging sitwasyon, maaaring singilin ang isang makatwirang bayad, o maaaring tanggihan ng FXChoice ang kahilingan), at maaaring hilingin namin sa iyong patunayan ang iyong pagkakakilanlan bago isagawa ang iyong tagubilin sa pamamagitan ng paghiling ng karagdagang dokumentasyon mula sa iyo. Kapag nasiyahan na kami na maayos na naming napatunayan ang iyong pagkakakilanlan, tutugunan namin ang karamihan sa mga kahilingan nang wala masyadong pagkaantala at sa loob ng isang buwan. Aaksyunan ng FXChoice ang iyong kahilingin na itumpak ang iyong personal na datos sa loob ng 10 araw sa kalendaryo. Maaaring pahabain ang mga panahong ito sa mga pambihirang sitwasyon, at ipagbibigay-alam namin sa iyo kung ang pinahabang panahon ay naaangkop sa iyo, kabilang ng isang paliwanag ng mga dahilan para sa pagpapahaba.
May karapatan kang:
- Iakses ang iyong personal na datos
Maaari mong iakses ang iyong personal na datos na hawak namin tungkol sa iyo sa pamamagitan ng isang kahilingan ng akses sa datos gamit ang mga channel na nakabalangkas sa Seksiyong ‘Paano ka makikipag-ugnayan sa FXChoice’ mula sa itaas. Sisikapin naming bigyan ka ng pinakakumpletong listahan ng personal na datos na posible. Gayon pa man, maaaring mangyari na may ilang personal na datos mula sa mga backup file, log at talaang nakaimbak na hindi kabilang sa listahang iyon dahil ang impormasyong ito ay hindi patuloy na pinoproseso ng FXChoice at samakatuwid ay hindi kaagad available. Sa gayong dahilan, maaaring hindi ipagbigay-alam sa iyo ang personal na datos na ito . Gayon pa man, ang personal na datos na ito ay mananatiling sumasailalim sa mga karaniwang pamamaraan sa pagmimintina ng datos at ipoproseso at itatago lang ayon sa mga pamamaraang iyon.
- Itumpak/limitahan/tanggalin ang iyong personal na datos
Kung sa tingin mo na may ilang tiyak na personal na datos na hawak namin tungkol sa iyo ay hindi tumpak o hindi napapanahon, maaari mong hilinging itumpak ang datos sa anumang oras gamit ang mga channel na nakabalangkas sa Seksiyong ‘Paano ka makikipag-ugnayan sa FXChoice’ mula sa itaas pagkatapos naming mapatunayan ang impormasyon. Kung tututulan mo ang katumpakan ng impormasyong hawak namin, maaari mong hilinging limitahan namin ang impormasyong ito habang pinag-aaralan ang iyong reklamo.
Kung pinaghihinalaan mo na nagpoproseso kami ng ilang tiyak na impormasyon nang walang lehitimong dahilan, o hindi na kami karapat-dapat na gamitin ang iyong personal na datos, maaari mo ring hilingin na tanggalin ang personal na datos na iyon.
Wala kaming anumang obligasyon na irektipika o tanggalin ang iyong personal na datos kung ito ay pipigilan kaming matugunan ang aming mga kontraktwal na obligasyon sa iyo, o kung saan ang FXChoice ay kinakailangan, o pinahihintulutan, na iproseso ang iyong personal na impormasyon para sa mga legal na layunin o basta’t alinsunod sa aming mga legal na obligasyon.
Hinihiling namin sa iyong ipagbigay-alam sa amin ang tungkol sa anumang nauugnay na pagbabago sa iyong personal na datos upang pahintulutan kaming panatilihing napapanahon at tumpak ang datos sa aming mga sistema.
- Bawiin ang iyong pahintulot
Sa tuwing bibigyan mo kami ng iyong pahintulot para iproseso ang iyong personal na datos, halimbawa, upang makontak ka namin tungkol sa isa sa aming mga serbisyo, may karapatan kang bawiin ang iyong pahintulot sa anumang oras sa pamamagitan ng pamamahala ng iyong mga suskripsiyon sa profile/seksiyon mula sa Backoffice. Kung babawiin mo ang iyong pahintulot sa pagpoproseso (at kung walang ibang pangangatwiran para patuloy na iproseso ang iyong datos), may karapatan ka ring hilinging tanggalin ang iyong personal na datos. Hindi naaapektuhan ng pagbawi ng iyong pahintulot ang pagkalegal ng anumang pagpoprosesong isinagawa namin batay sa iyong pahintulot bago ito binawi.
- Tutulan ang paggamit ng iyong personal na datos para sa ilang tiyak na layunin
Kung hindi ka sumasang-ayon sa paraan kung paano namin pinoproseso ang ilang tiyak na datos, maaari kang tumutol dito sa pamamagitan ng isa sa mga channel na tinukoy sa Seksiyong ‘Paano ka makikipag-ugnayan sa FXChoice’ mula sa itaas. Sa ganitong mga kaso, bibigyan ka namin ng mga detale tungkol sa saligang katwiran para sa pagpoproseso ng iyong personal na datos.
Ang ilang operasyon ay awtomatiko, na hindi pinakikialaman ng mga tao, at maaaring kabilang dito ang pagdedesisyon na nakabatay lang o nang pangunahing sa awtomatikong pagpoproseso. Para sa mga karagdagang detalye, tingnan ang Seksiyon ng ‘Bakit at paano kami gumagamit ng mga awtomatikong algorithm at pagdedesisyon’ sa ibaba. Kung hindi ka sumasang-ayon sa kahihinatnan ng naturang awtomatikong proseso ng pagdedesisyon, maaari kang makipag-usap sa isang miyembro ng FXChoice upang ipahayag ang iyong pananaw at tutulan ang desisyon gamit ang mga channel na nakabalangkas sa Seksiyong ‘Paano ka makikipag-ugnayan sa FXChoice’ mula sa itaas.
- Hilingin na ilipat ang iyong personal na datos sa anyong elektroniko
Maaari mong hilingin (sa ilang kaso) na ilipat ang iyong personal na datos sa iyo o sa ibang tagabigay ng serbisyo upang maimbak at muling magamit ang iyong personal na datos para sa iyong mga sariling layunin sa iba’t-ibang mga serbisyo. Hindi kami responsable o mananagot sa anumang paraan para sa pinsala, pagkalugi o pagkabalisag natamo o naranasan mo at/o ng itinalagang tagabigay ng serbisyo bilang resulta ng hindi wastong paggamit ng personal na datos sa oras na, at pagkatapos, matanggap ito sa amin.
- Magreklamo
Kung sa tingin mo ay nilalabag namin ang naaangkop na lehislasyon, mangyaring makipag-ugnayan sa amin upang linawin ang bagay. Siyempre, may karapatan kang magsampa ng reklamo sa isang awtoridad sa pangangasiwa, lalo na sa Estadong Miyembro kung saan ka tumitira, lugar ng trabaho o lugar ng diumanong paglabag.
Pagkatapos ng ika-25 ng Mayo, 2018, maaari kang magsampa ng reklamo sa isang lupon ng pangangasiwa sa loob ng EU.
- Paano gamitin ang iyong mga karapatan.
Maaari mong gamitin ang mga karapatang nakabalangkas sa itaas nang libre sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan sa amin gamit ang alinman sa mga channel mula sa Seksiyong ‘Paano ka makikipag-ugnayan sa FXChoice’ mula sa itaas.
Inirerekomenda naming ibigay mo ang lahat ng detalyeng maibibigay mo sa iyong pakikipagsulatan sa amin upang matugunan namin ang iyong katanungan kaagad at nang maayos. Maaaring hilingin sa iyong magbigay ng katibayan ng pagkakakilanlan at/o karagdagang impormasyon upang patunayan ang iyong pagkakakilanlan kapag gumagawa ng naturang kahilingan.
Seguridad at Pagiging Kompidensyal
Gumagamit kami ng iba’t-ibang mga teknolohiya at pamamaraan upang makatulong na protektahan ang iyong personal na datos laban sa hindi awtorisadong pag-akses, paggamit o pagsisiwalat. Nagsasagawa rin kami ng mga hakbang upang tiyakin na mga taong may naaangkop na awtorisasyon lang ang makakaakses sa iyong personal na datos.
Naglaan kami ng mga sistema at pamamaraan upang pigilan ang hindi awtorisadong akses, hindi wastong pagbabago o pagsisiwalat, maling paggamit o pagkawala ng impormasyon.
Tanging ang mga miyembro ng kawaning angkop na awtorisado lang ang makakapag-akses ng iyong personal na datos, kung ang datos na iyon ay nauugnay sa pagganap ng kanilang mga tungkulin, kaugnay man ito sa pagbibigay ng mga serbisyo o alinsunod sa mga legal na obligasyon o obligasyon ayon sa regulasyon. Maaaring kabilang dito ang, halimbawa, mga miyembro ng kawani na nagtatrabaho sa aming Departamento ng Marketing at Pagbebenta, Departamento ng Pananalapi, Departamento ng Suporta sa Customer, Lupon ng Pamamahala o mga kinatawan ng mga serbisyo sa customer.
Gumagamit kami ng mga panloob na teknikal at pang-organisasyong hakbang upang protektahan ang iyong personal na datos laban sa hindi awtorisadong akses, upang panatilihin ang katumpakan ng datos at upang makatulong na tiyakin ang naaangkop na paggamit ng iyong personal na datos. Kabilang sa mga panseguridad na hakbang ang pag-encrypt ng iyong personal na datos, mga firewall, mga sistema ng pagtuklas ng panghihimasok, pisikal na proteksiyon ng mga pasilidad kung saan nakaimbak ang iyong personal na datos at malalakas na pamamaraang panseguridad sa lahat ng operasyong panserbisyo. Ang iyong personal na datos ay maaakses lang ng isang limitadong bilang ng mga taong kinakailangang panatilihing kompidensyal ang datos. Gumagamit kami ng malalakas na algorithm sa pag-encrypt para sa paghahatid at pag-iimbak ng iyong impormasyon.
Upang tiyakin ang seguridad ng paglipat ng impormasyon, gumagamit kami ng sertipikong SSL na may 256-bit na pag-encrypt upang i-encrypt ang impormasyong hinahatid ng o sa anumang bisita sa pamamagitan ng aming website.
Hindi namin ibebenta o ipaaarkila ang iyong personal na impormasyon sa mga ikatlong partido para gamitin nila ito.
Bakit at paano kami gumagamit ng mga awtomatikong algorithm at pagdedesisyon
Gumagamit kami ng mga algorithm upang pahintulutan kaming maghatid ng mga desisyon sa loob ng mas maikling panahon at episyensiya ng aming mga proseso at serbisyo.
Isang halimbawa kung saan kami gumagamit ng awtomatikong pagdedesisyon ay may kinalaman sa pagsusuri ng iyong aplikasyon at gana sa panganib, ang impormasyong ibinigay mo sa iyong aplikasyon, ang iyong karanasan sa trading, kita, mga detalye ng trabaho, atbp.;
ginagamit ng FXChoice ang impormasyong ito upang maglapat ng mga panloob na alituntunin sa pagsusuri ng panganib nang pare-pareho. Tinitiyak nito na tinatrato ang iyong aplikasyon nang patas at maayos at na naniniwala kaming karapat-dapat ka para sa mga serbisyong inaalok namin.
Mga cookie
Gumagamit kami ng teknolohiyang “cookie” sa aming website upang mangolekta ng impormasyon. Ang isang cookie ay isang maliit na file ng datos na iniimbak ng isang website sa hard disk ng iyong computer upang magtago ng mga talaan tungkol sa kung kailan ka pumupunta sa website. Pinahihintulutan kami ng mga cookie na pagandahin ang kaginhawaan ng paggamit, halimbawa, sa pag-aalala sa iyong mga password at kagustuhan sa panonood, na siyang pinahihintulutan kang puntahan ang iba’t-ibang bahagi ng website na para sa “mga miyembro lang” nang hindi muling magpaparehistro. Higit pa rito, gumagamit kami ng mga cookie upang sukatin ang aktibidad sa website at gumawa ng mga pagpapabuti at update batay sa aling lugar ang pinupuntahan at alin ang hindi.
Mababasa ng website ang mga cookie sa mga sumusunod na bisita ng gumagamit. Ang impormasyong nakaimbak sa isang cookie ay maaaring nauugnay sa mga gawi sa pagba-browse ng gumagamit sa webpage, o isang natatanging numero ng pagkakakilanlan upang makilala ng website ang gumagamit sa kanyang muling pagbisita.
Maaaring pagandahin ng mga cookie ang karanasan sa pagba-browse sa haba ng panahon ng pagbisita ng gumagamit at kahit sa mga paulit-ulit na pagbisita sa pamamagitan ng pag-save ng mga pagsasaayos para sa iba’t-ibang elemento ng website.
GGumaGumagamit ang FXChoice ng mga cookie upang mangolekta ng impormasyon tungkol sa paggamit ng mga bisita sa website, kabilang ang mga bagay tulad ng bilis ng koneksiyon, mga detalye ng operating system, pagsasaayos ng hardware ng computer, ang oras at tagal ng bawat pagbisita, mga IP address, lokasyon at higit pa.
Ang impormasyong nakolekta ng mga cookie ay pinahihintulutan ang FXChoice na maunawaan ang paggamit ng site nito, kabilang ang mga bilang ng bisita na mayroon nito, ang mga pahinang tiningnan sa bawat sesyon, oras na ginugol sa mga partikular na pahina, atbp. Nakakatulong ito sa FXChoice na mabigyan ang mga bisita ng mas magandang karanasan.
Hindi susubukan ng FXChoice na personal na kilalanin ang mga bisita batay sa kanilang mga IP address maliban kung kinakailangan ito para sa pagkilala sa pandaraya o anumang ibang dahilang kinakailangan ng batas.
Magagamit ng mga bisita ang karamihan sa website ng FXChoice nang walang functionality na nawala kung hindi pagaganahin ang mga cookie mula sa web browser. Gayon pa man, kinakailangan ng Backoffice na paganahin ang mga cookie para maayos ang takbo ng serbisyo.
Hindi isinasapanganib ng mga cookie ang seguridad ng iyong computer sa anumang paraan.
Upang paganahin o hindi paganahin ang mga cookie, sundin ang mga tagubiling ibinibigay ng web browser, na karaniwang matatagpuan sa loob ng mga menu ng ‘Tulong’, ‘Mga Kagamitan’ o ‘I-edit’.
Ang FXChoice ay hindi gumagamit ng mga cookie upang subaybayan ang paggamit ng Internet ng mga gumagamit at kliyente pagkatapos umalis sa aming website at hindi nag-iimbak ng impormasyon na maaaring basahin o subaybayan ng mga ikatlong partido. Hindi namin ipapalit, ibebenta, o ipaaarkila ang impormasyon ng cookie nang walang tahasang pahintulot ng mga gumagamit.
Bilang karagdagan, ginagamit namin ang “Google Analytics” upang analisahin ang paggamit ng aming website. Bumubuo ang “Google Analytics” ng pang-estadistika at ibang impormasyon tungkol sa paggamit sa website sa pamamagitan ng mga cookie sa mga computer ng mga gumagamit. Ang impormasyong nabuo kaugnay sa aming website ay ginagamit upang gumawa ng mga ulat tungkol sa paggamit sa website. Ang “Google” ang mag-iimbak ng impormasyong ito. Matatagpuan ang “patakaran sa pagkapribado ng Google” sa: http://www.google.com/privacypolicy.html.
Ibinabahagi ba namin ang iyong personal na impormasyon?
Ibinabahagi ng FXChoice ang iyong personal na datos sa mga pinagkakatiwalaang ikatlong partidong nagsasagawa ng mahahalagang tungkulin para sa amin, batay sa aming mga tagubilin at habang inilalapat ang mga naaangkop na hakbang sa pagiging kompidensyal at seguridad. Halimbawa, gumagamit kami ng mga tagabigay ng serbisyo na ikatlong partido para sa mga panseguridad o teknikal na problema. Dedetalyehin namin ang mga dahilan kung bakit namin ibinabahagi ang personal na impormasyon sa mga ikatlong partido sa ibaba.
Ibinibigay namin ang iyong personal na datos sa mga ikatlong partido, at ang aming pangunahing layunin at mag-alok sa iyo ng mahusay, mabilis at komprehensibong serbisyo sa pag-aalaga sa mga serbisyong inaalok namin upang matugunan ang iyong mga inaasahan. Hindi namin ibinibigay ang iyong personal na datos sa mga ikatlong partido hanggang hindi namin natitiyak na isinagawa na ang lahat ng teknikal at pang-organisasyong hakbang upang protektahan ang datos na ito habang mahigpit naming kinokontrol na makakamit ang layuning ito. Sa kasong ito, mananatili kaming responsable para sa pagiging kompidensyal at seguridad ng iyong datos.
Nagbibigay kami ng personal na datos sa mga sumusunod na kategorya ng mga tatanggap (mga tagakontrol ng personal na datos/mga tagaproseso ng personal na datos):
- Sa aming mga pinagkakatiwalaang tagabigay ng serbisyo na ikatlong partido o partner upang patunayan ang iyong pagkakakilanlan at iyong mga detalye ng account, na nag-iimbak o nagpoproseso ng Personal na Impormasyon sa ngalan namin. Nagbibigay kami ng personal na impormasyon alinsunod sa isang kontratang napirmahan sa pagitan natin, batay sa aming mga tagubilin at alinsunod sa naaangkop na lehislasyon sa proteksiyon ng datos;
- Kapag kinokontrata namin ang mga serbisyo ng mga abogado, auditor, valuer at ibang mga consultant na kumilos sa ngalan namin, o mga taong naglilingkod ng mga serbisyo ng consultant sa iba’t-ibang larangan;
- Kapag nakikipagtrabaho kami sa mga taong inutusan mong kumatawan sa iyo, o sinumang ibang taong ipinagbigay-alam mo sa amin na awtorisadong magbigay ng mga tagubilin o gamitin ang account o mga serbisyo sa ngalan mo (tulad ng sa ilalim ng isang power of attorney);
- Kapag kinokontrata namin ang mga serbisyo ng aming mga bangko at tagabigay ng serbisyo ng pagbabayad o ibang mga partner, o gumagamit kami ng mga espesyalistang ikatlong partido tulad ng mga liquidity provider, Skrill Limited, Paysafe Holdings UK Limited, VISA at MasterCard upang tulungan kaming iproseso ang iyong mga pagbabayad;
- Kapag kinakailangan naming makipagtulungan ayon sa batas o basta’t sa pamamagitan ng isang legal na proseso kasama ang Belize at ibang mga lupon ng pangangasiwa at pagpapatupad ng batas tulad ng Financial Services Commission ng Belize o ang Financial Intelligence Unit, mga bangko sentral, mga hukuman, mga ahensiya ng pagpigil sa pandaraya o ibang mga lupon;
- Nakikipagtrabaho kami sa mga kompanyang sumusuporta sa FXChoice upang kilalanin at analisahin ang iyong asal bilang gumagamit sa aming website, halimbawa, ang Google Analytics.
- Sa mga operator ng koreo tungkol sa pagpapadala ng mga bagay na naglalaman ng mga kontrata, kasunduan at ibang mga dokumento at ang pangangailangan na patunayan ang pagkakakilanlan kapag naihatid sila;
- Sa mga entidad na nagtutustos ng kagamitan, software at hardware na ginagamit sa pagpoproseso ng personal na datos at kinakailangan upang buuin ang network ng kompanya at naglilingkod ng iba’t-ibang serbisyo ng accounting, pagbabayad ng mga serbisyo at produkto, suportang teknikal, atbp.;
- Sa mga taong naglilingkod ng suportang serbisyo sa terminal equipment;
- Sa mga awtoridad, institusyon at indibidwal kung kanino namin kinakailangang ibigay ang personal na datos sa ilalim ng naaangkop na lehislasyon;
- Kung may hinirang kang isang Ahente (Nagpapakilalang Broker), maaari kaming magbahagi ng kaunting impormasyon upang makumpleto ang due diligence at aprubahan ang iyong aplikasyon sa kanila;
- Maaari kaming kumontrata ng mga kompanya para sa mga pang-estadistikang layunin upang pagandahin ang marketing ng FXChoice. Nagbibigay kami ng impormasyon alinsunod sa isang kontratang napirmahan sa pagitan natin, batay sa aming mga tagubilin at alinsunod sa naaangkop na lehislasyon sa proteksiyon ng datos. Maaari lang maisiwalat ang personal na datos nang anonima at pinagsama-sama; naka-encrypt ang iyong indibidwal na pagkakakilanlan;
- Sa mga tagabigay ng mga serbisyo ng elektronikong pagpapatunay kung saan ang isang dokumentong nauugnay sa pagbibigay ng isang produkto o serbisyo ay pinipirmahan gamit ang isang digital na pirma;
- Sa mga taong naglilingkod ng mga serbisyo ng pag-oorganisa, pag-iimbak, pag-index at pagsira sa mga papel at/o elektronikong kopya.
Maaari namin minsang kailanganing ibahagi ang impormasyon sa mga organisasyon na matatagpuan, o basta’t isinasagawa ang pagpoproseso, sa labas ng European Economic Area (EEA). Gayon pa man, ililipat lang namin ang personal na datos sa isang bansa o teritoryo sa labas ng EEA kung ang bansang iyon ay nagbibigay ng sapat na antas ng proteksiyon para sa personal na datos, ayon sa itinakda ng European Commission. O maaari naming ipadala ang impormasyon sa labas ng EEA kung saan gagawin ang transfer sa ilalim ng isang kasunduang legal na umiiral na natutugunan ang mga pangangailangan ng EU para sa paglipat ng personal na datos sa mga tagaproseso ng datos sa labas ng EEA.
Maaari naming isiwalat ang personal na datos na nauugnay sa aming mga customer sa anumang ikatlong partido sa kaganapan ng isang pagbebenta, paglipat, pagtatalaga, pagtatapon (o potensyal na pagbebenta, paglipat, pagtatalaga, pagtatapon), paglagom, paglilikida, receivership, ng lahat, o halos lahat o anumang bahagi ng negosyo o mga asset ng FXChoice.
Pangongolekta ng ikatlong partido ng impormasyon
Tinutugunan lang ng aming patakaran ang paggamit at pagsisiwalat ng impormasyong kinokolekta namin mula sa iyo. Kung isisiwalat mo ang iyong impormasyon sa ibang mga partido sa pamamagitan ng aming mga serbisyo (hal. sa pag-click sa isang link papunta sa ibang website o aplikasyon) o sa pamamagitan ng ibang mga site o aplikasyon, maaaring may iba’t-ibang alituntuning ilalapat sa kanilang paggamit o pagsisiwalat ng impormasyong isisiwalat mo sa kanila.
Mahalagang tandaan na ang mga naturang serbisyo ng ikatlong partido ay maaaring may sariling patakaran sa pagkapribado nila at pinapayo namin sa iyong maingat na basahin sila. Bago gumamit ng mga site, aplikasyon o serbisyo ng ikatlong partido, inirerekomenda namin sa iyong basahin at unawain ang mga tuntunin at kondisyon, garantiya, at mga patakaran sa pagkapribado ng mga site at serbisyong iyon at tiyaking sumasang-ayon ka sa mga tuntunin nila.
Gaano katagal naming itatago ang iyong personal na impormasyon?
Kung gaano katagal iniimbak ang ilang tiyak na personal na impormasyon ay depende sa kalikasan ng impormasyong hawak namin at ang mga layunin kung para saan ito pinoproseso. Bilang alituntunin, titigil kami sa paggamit ng iyong personal na datos para sa kontraktwal na ugnayan pagkatapos ng pagwawakas ng kontrata sa iyo, ngunit hindi namin tatanggalin ang datos kaagad.
Tinutukoy ng FXChoice ang mga naaangkop na panahon ng pagpapanatili bilang isinasaalang-alang ang anumang mga obligasyong ayon sa batas na ipinapataw sa amin ng batas. Halimbawa, kinakailangan naming itago ang ilang impormasyon ng customer nang 5 taon pagkatapos ng petsa kung kailan nakumpleto ang nauugnay na negosyo o transaksiyon, o ang pagwawakas ng ugnayang pang-negosyo, alinman ang mas huli, alinsunod sa Artikulo 16, Talata 4 mula sa Money Laundering and Terrorism (Prevention) Act [Panukalang-Batas sa (Pagpigil ng) Money Laundering at Terorismo]. Ayon sa Art. 6, Talata 2 ng Accounting Records (Maintenance) Act 2013 [Panukalang-Batas sa (Pagmimintina ng) Mga Talaan ng Accounting ng 2013], ang kahina-hinalang transaksiyon o patuloy na imbestigasyon sa money laundering/kriminal na aktibidad na nauugnay sa isang kliyente o isang transaksiyon, obligado kaming magtago ng ilang impormasyon, na nauugnay sa naturang kliyente o transaksiyon hanggang matapos ang naturang imbestigasyon o sa haba ng limang taon, alinman ang mas huli.
Dapat mong tandaan na hindi namin tatanggalin o ia-anonymize ang iyong personal na datos kung kinakailangan ito para sa mga nakabinbing panghukuman at pampangasiwaang paglilitis o paglilitis na nauugnay sa iyong reklamo sa amin.
Kung ang layunin para saan kinuha ang impormasyon ay tapos na at hindi na kinakailangan ang personal na datos, tatanggalin o ia-anonymize ang personal na datos, na nangangahulugan na aalisin ang lahat ng posibleng nagpapakilalang katangian sa iyong personal na datos. Naglaan ang FXChoice ng mga pamamaraan upang tiyakin na panay na nililinis ang mga file at hindi tinatago ang personal na impormasyon nang mas matagal kaysa sa kinakailangan.
Mga Update sa aming Paunawa sa Proteksiyon ng Datos
Panay naming sinusuri ang paunawang ito at paminsan-minsan ay sususugan namin ito upang ipakita ang mga pagbabago sa paraan kung paano naming pinoproseso ang personal na impormasyon. Palagi mong matatagpuan ang pinakabagong bersiyon sa aming website myfxchoice.com.
Kung makabuluhan ang mga susog na gagawin namin, maaari kaming mag-post ng isang mensahe tungkol sa mga pagbabago sa seksiyong ‘Balita’ sa aming website. Inaanyayahan ka naming panay na suriin ang kasalukuyang bersiyon ng Paunawa sa Proteksiyon ng Datos na ito, upang palaging malaman kung paano namin pinag-iingatan ang proteksiyon ng personal na datos na kinokolekta namin.
Huling na-update ang Paunawa sa Proteksiyon ng Datos na ito noong ika-1 ng Agosto, 2020.
Tungkol sa Mga Cookie
Ano ang isang cookie?
Ang isang HTTP cookie, web cookie, browser cookie, o sa madaling salita, isang cookie ay isang maliit na piraso ng datos na ipinapadala ng isang server sa web browser ng bisita. Iniimbak ito sa device ng gumagamit bilang isang simpleng text file at ipinapadala ito ng browser pabalik sa server kapag hinihiling nito ito.
Mababasa ng website ang mga cookie sa mga sumusunod na bisita ng isang gumagamit. Ang impormasyong nakaimbak sa isang cookie ay maaaring nauugnay sa mga gawi sa pagba-browse ng gumagamit sa webpage, o isang natatanging numero ng pagkakakilanlan upang makilala ng website ang gumagamit sa kanyang muling pagbisita.
Maaaring pagandahin ng mga cookie ang karanasan sa pagba-browse sa haba ng pagbisita ng gumagamit at kahit sa mga paulit-ulit na pagbisita sa pamamagitan ng pag-save ng mga pagsasaayos para sa iba’t-ibang elemento ng website.
Paano ginagamit ng FXChoice ang mga cookie?
Hindi ginagamit ng FXChoice ang mga cookie upang mangolekta ng anumang personal na impormasyon. Sa katunayan, ang tanging bagay para saan direktang ginagamit ang mga cookie ay upang iugnay ang mga kahilingan mula sa device ng isang gumagamit sa mga web server nito. Gayon pa man, gumagamit ang FXChoice ng mga serbisyo ng ikatlong partido tulad ng Google Analytics na siyang gumagamit ng mga cookie upang subaybayan ang impormasyon tungkol sa paggamit ng mga bisita sa website, kabilang ang mga bersiyon ng browser, uri ng operating system, uri ng device, atbp.
Ang impormasyong nakolekta sa ganitong paraan ay pinahihintulutan ang FXChoice na maunawaan ang paggamit ng website nito, kabilang ang mga bilang ng bisita na mayroon nito, ang mga pahinang tiningnan sa bawat sesyon, oras na ginugol sa mga partikular na pahina, atbp. Nakakatulong ang impormasyong ito sa FXChoice na mabigyan ang mga bisita ng mas magandang karanasan.
Hindi susubukan ng FXChoice na personal na kilalanin ang mga bisita batay sa kanilang mga IP address maliban kung kinakailangan ito para sa pagkilala sa pandaraya o anumang ibang dahilang kinakailangan ng batas.
Magagamit ng mga bisita ang karamihan sa website ng FXChoice nang walang functionality na nawala kung hindi pagaganahin ang mga cookie mula sa web browser. Gayon pa man, kinakailangan ng Backoffice (ang katagang ginagamit naming tumutukoy sa profile ng isang kliyente) na paganahin ang mga cookie para maayos ang takbo ng serbisyo.
Hindi isinasapanganib ng mga cookie ang seguridad ng iyong computer sa anumang paraan.
Maaaring pagandahin ng mga cookie ang karanasan sa pagba-browse sa haba ng pagbisita ng gumagamit at kahit sa mga paulit-ulit na pagbisita sa pamamagitan ng pag-save ng mga pagsasaayos para sa iba’t-ibang elemento ng website.
Paano kinokontrol ang mga cookie?
Ang hindi pagpapagana ng mga indibidwal na cookie o mga uri ng mga cookie ay maaaring kailanganin ang paggamit ng mga add-on sa browser o ang paggamit ng isang espesyal na uri ng cookie—isang cookie para mag-opt-out. Maaaring tanggalin ng mga gumagamit ang lahat ng cookie na matatagpuan na sa kanilang mga device, at maaari nilang itakda sa karamihan ng mga browser upang pigilang mailagay ang mga ito. Ang hindi pagpapagana ng mga cookie sa pangkalahatan, sa pamamagitan ng mga pagsasaayos ng web browser, ay magreresulta sa pagkawala ng functionality para sa website ng FXChoice at humahantong sa pangit na karanasan ng gumagamit. Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa kung paano pamahalaan ang mga cookie, kabilang ang pag-opt-out sa iba’t-ibang uri ng mga cookie, mangyaring pumunta sa: www.aboutcookies.org
Tungkol sa mga push notification
Ano ang Mga Web Push Notification?
Ang mga push notification ay malilit na mensaheng maaaring umabot sa mga audience saanman at kailanman. Habang lumilitaw lang ang mga pop-up ang mga audience ay nasa site na kinabibilangan nila, independiyente ang mga push message; nauugnay ang mga ito sa mga web browser at app. Ang mga web push notification ay mga mensaheng maaaksyunan na ipinapadala sa mga device ng mga bisita sa pamamagitan ng isang website.
Paano namin ginagamit ang Mga Web Push Notification?
Kapag nasa website ka namin, makakatanggap ka ng isang kahilingan na pahintulutan ang mga push notification.
Ginagamit ang mga push notification para padalhan ka ng mga mensahe. Hindi kami kumokolekta ng personal na datos sa pamamagitan ng mga push notification. Gagamit lang kami ng mga push notification kung papayag kang matanggap ang mga ito. Ganap na kinokontrol ng iyong browser at device ang iyong suskripsisyon sa mga abiso. Mangyaring tandaan na wala kaming kontrol sa iyong suskripsiyon sa aming mga push notification.
May pop-up window na lilitaw kapag pumunta ka sa aming website. Sa pag-click sa ‘pahintulutan’ sa mensahe ng pag-opt in, nagbibigay ka ng pahintulot. Hindi ka makakatanggap ng anumang uri ng abiso kung pipiliin mong i-click ang ‘harangan’.
Maari mong i-deactivate ang mga push notification sa iyong browser.
Kung pipiliin mong makatanggap ng mga push notification, isang natatanging tagapagkilalang nauugnay sa iyong device ay iimbakin ng NOTIX sa ngalan namin upang ibigay sa iyo ang serbisyo. Anonymized ang tagapagkilalang ito at hindi naglalaman ng personal na datos.
Bakit kami gumagamit ng Mga Web Push Notification?
Pinahihintulutan ng Web Push ang aming website na abisuhan ka tungkol sa mga bagong mensahe o nilalamang na-update. Habang bukas ang iyong browser, kung binigyan mo kami ng pahintulot, maaari kaming magpadala ng mga abiso sa iyong browser, na ipapakita sila sa screen.
Hindi nagdudulot ng pinsala ang mga push notification sa iyong computer o sa iyong karanasan sa pagba-browse sa web; sa halip, gumagamit kami ng mga push notification upang pagandahin ang kalidad ng aming serbisyo at gawing mas madali para sa mga taong makipag-ugnayan sa amin.
Ano ang mga sinusuportahang browser?
- Google Chrome
- Microsoft Edge
- Mozilla Firefox
- Internet Explorer
- Samsung Browser
- Opera
- Yandex Browser
- UC browser
- at macOS Safari
Ilang push notification ang matatanggap mo?
Ang bilang ng mga abisong ipapadala namin ay karaniwang nasa pagitan ng 1 at 4 na notipikasyon sa isang araw.
May singil ba para sa mga push notification?
Libre ang pagtanggap ng mga push notification. Wala kang kailangang gawin maliban sa tanggapin ang mga ito.
Paano ako puwedeng mag-unsubscribe sa Web Push notification?
Kung pumayag kang makatanggap ng mga abiso sa amin, maaari mong bawiin ang iyong pahintulot (na mangangahulugang mag-unsubscribe ka sa Web Push notification) sa sumusunod na paraan:
Halimbawa gamit ang Google Chrome:
- Buksan ang Google Chrome sa iyong device.
- Pumunta ka sa Mga Pagsasaayos.
- Sa ilalim ng ‘Pagkapribado at seguridad’ i-click ang ‘Mga pagsasaayos sa site’.
- I-click ang Mga Abiso.
- Piliing harangan o pahintulutan ang mga abiso: maaari kang pumili ng isang partikular na dominyo kung saan mo dating pinahintulutan ang suskripsiyon at tanggalin ito. Hindi ka na makakatanggap ng mga abiso mula sa isang site para sa kung alin mo tinanggal ang iyong suskripsiyon sa pamamagitan ng mga pagsasaayos ng browser.
Pag-deactivate ng mga push notification sa ilang browser
Simulan ang trading sa kahit man lang USD 10
Ang Pambihirang Serbisyo sa Customer ng LiveHelpNow
2019 — 2023
Balita tungkol sa Kompanya