Mga karapatan at obligasyon para sa mga may-ari ng card
Mga Kahulugan
Ang “mga organisasyon ng card” ay tumutukoy sa MasterCard International, VISA Europe, JCB Europe o anumang ibang asosasyon o organisasyon ng card na naaangkop dito;
Ang “card” ay tumutukoy sa isang balidong pambayad na card kabilang ang, nguni’t hindi limitado sa, mga credit o debit card na may logo ng MasterCard, VISA o JCB o ng anumang ibang asosasyon o organisasyon ng card na naaangkop dito;
Ang “may-ari ng card” ay tumutukoy sa isang taong ipinagkalooban ng isang Card at sinumang awtorisadong gumagamit ng naturang Card;
Ang “virtual POS/POS” ay tumutukoy sa isang lohikal na device para sa malayuang pagtanggap ng mga elektronikong pagbabayad gamit ang mga pambayad na card sa pamamagitan ng website na https://myfxchoice.com.
Ang “mga serbisyo” ay nangangahulugang mga serbisyo sa trading ng Forex, ang pag-aalok ng mga nangungunang solusyon para sa trading ng Forex, mahahalagang metal at mga CFD;
Ang “tagabigay ng serbisyo” ay tumutukoy sa kompanyang FX Choice Limited (FXChoice), isang Kompanya ng Kalakalang Internasyonal na may numero ng rehistro na 105,968 at ang rehistradong address sa Belize, Belize City, Corner of Hutson & Eyre Street, Blake Building, Suite 302, na pinangagasiwaan ng Financial Services Commission (FSC);
Ang “website” ay nangangahulugang site ng World Wide Web na https://myfxchoice.com, kung saan inaalok ng FXChoice ang mga serbisyo nito.
Ang “pinagtatalunang pagbabayad” ay ang pamamaraan para sa isang refund, na buo o bahagi, ng isang tiyak na halagang binayaran ng isang transaksiyon ng card. Gagawin ang naturang refund sa kaganapan ng mga paglabag na mangyayari sa pagtanggap ng pagbabayad, o kung isinagawa ang isang transaksiyon sa ilalim ng mga mapanlinlang na kondisyon, o sa inisyatiba ng may-ari ng card.
Ang “isang iregular na transaksiyon” o isang transaksiyong isinagawa sa ilalim ng mga “mapanlinlang” na kondisyon ay nangangahulugang ito ay isang transaksiyong sinadyang (kusang) isinagawa gamit ang isang card o mga detalye ng card na nakuha nang ilegal (isang nawala o ninakaw na card o isang card na nakuha batay sa mga dokumentong peke, atbp.) pati na rin gamit ang isang peke o counterfeit na card o gamit ang mga ninakaw na detalye ng card. Isinasagawa ang naturang transaksiyon nang walang kaalaman at pagsang-ayon ng tunay na may-ari ng card at ng kanyang pahintulot, at hindi niya tinatanggap ang mga gastos na nauugnay dito.
Ang Mga Tuntunin at Kondisyong ito ay para sa pagseserbisyo sa mga pagbabayad sa card gamit ang virtual POS terminal, at pinamamahalaan nila ang ugnayan sa pagitan ng kompanyang FXChoice at ng mga customer nito, na nagmumula sa pagtanggap, pagpoproseso at pagseserbisyo sa mga pagbabayad sa card para sa Mga Serbisyong inaalok ng kompanyang FXChoice sa website na https://myfxchoice.com, na pagmamay-ari ng kompanya.
Sa pag-akses sa website na ito, sumasang-ayon, tinatanggap at nauunawaan ng customer ang mga sumusunod na Tuntunin at Kondisyon.